Ngayong papalapit tayo sa panahon ng General Community Quaratine o GCQ ay may mga kaunting pagbabago na ipinatutupad ang gobyerno upang palawakin ang kampanya laban sa COVID-19.
Kasabay pa rin sa pagpapatupad ng GCQ ay ang patuloy na pag monitor o pagba-bantay sa mga lumalabas at pumapasok sa bawat lugar. Dahil dito, makabubuting magkaroon tayo ng gabay na maari nating sundin upang maging mas maayos ang ating pakikiisa bilang responsableng mamamayan.
Narito ang ilang paalala na makabubuting sundin kapag ang isang lugar ay sumailalim GCQ.
1. Pag-gamit ng PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT. Pangunahin pa rin sa lahat ay ang ating kaligtasan, kaya huwag kaligtaang magsuot ng protective gear sa tuwing lalabas ng bahay. Ang face mask, face shield, at maging ang disposable gloves na kadalasan ay ginagamit natin simula pa noong sinimulan ang ECQ ay totoong nakatutulong upang maiwasan ang sakit. Mas mainam din kung may nakahanda tayong pocket size na alcohol bottle o sprayer upang magamit habang ikaw ay nasa labas o nasa trabaho. Ang paghuhugas o pag-ligo tuwing darating galing sa labas ng tahanan ay mahalaga para sa kalusugan.
2. Mag dala ng Proper Identification.- ito ang magpapatunay ng pagiging lehitimong residente ng isang tao sa barangay, ito rin ang pangunahing supporting document para sa Quatantine Pass. Dahil maaaring may pagkakaiba ng requirements sa bawat lugar ay makabubuting alamin sa inyong Barangay ang mga documents na dapat dalhin sa tuwing lalabas o bi-biyahe upang maiwasan ang aberya.
3. Siguraduhing dala ang TRAVEL PASS. Kung ikaw ay motorista, biyahero, o empleyado sa labas ng iyong baranggay ay siguraduhing dalhin ang travel pass. Ang sinoman na walang travel pass ay hindi pinapayagang lumagpas sa mga boundary ng bawat bayan o sa ilang piling lugar. Para sa mga empleyado ay siguraduhing dala ang company ID, maliban doon ay maari ring mag request ng Certificate of Employment ang sinomang empleyado o trabahador. Ito ay magsisilbing karagdagang lehitimong pruweba sa tuwing may checkpoint. Makipag ugnayan sa Barangay upang malaman kung anu-ano ang required supporting documents at kung paano at saan makaka-kuha nito.
4. Gumawa ng CHECKLIST. Kung ikaw ay lalabas para mag grocery o mamalengke ay mabuting gumawa ng listahan o checklist bago pumunta sa palengke. Sa ganitong paraan ay mas maliit ang chance na may makalimutan sa pamimili.Tandaan na dahil may nakatakdang schedule sa pamamalengke ay importanteng mabili natin ang lahat ng anumang kailangan sa araw ng pamimili.
5 . Sumunod sa itinakdang SOCIAL DISTANCING. Ang Social distancing ay hindi lamang ipinatutupad sa mga palengke o ibang establishment , ito ay ipinatutupad din sa mga lulan o sakay ng isang sasakyan. Mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pag- angkas sa motorsiklo. Kahit nga ang magka-angkas na mag-asawa ay hindi pa rin pinahihintulutan sa ngayon kaya mas makabubuting huwag na munang mag angkas upang makaiwas sa aberya. Ipinatutupad pa din ang Social Distancing sa loob ng mga sasakyan gaya ng kotse o iba pang uri ng sasakyan.
Upang maging updated sa COVID -19 ay bumisita sa DOH sa link na ito:
Check out the the latest Outdoor Gear from PTT
Comments