Stressed ka na ba sa kai-isip kung paano ka makakapunta sa trabaho o sa isang lugar na hindi ka makikipag unahan sa pag sakay ng jeep, bus, o kahit sa tricycle? Idagdag mo pa ang ilang "kontratistang driver" ng mga pedicab at taxi. Puwes maaaring "bike to work" ang solusyon.
Dahil limitado ang public transportation sa panahon ngayon ay talaga namang nakaka- stress ang pakikipag-buno sa kapwa pasahero tuwing ikaw ay magbi-biyahe. Mistulang contest ang nagaganap tuwing papara ng sasakyan, unahan sa pagpasok o sa pag upo lalo na sa mga bus at jeep. May mga pagkakataon na ang feeling natin ay tayo ang champion tuwing makakauna tayong maka-upo sa bus pero teka, ano ang feeling mo kung di ka nakaupo? Ang sakit di ba?
Magmula noong ipinatupad ang MECQ at GCQ sa ating bansa ay talaga namang kinakitaan ng kahirapan sa transportation ang mamamayang Pilipino partikular na ang mga nagtatrabaho sa mga lungsod. Kasunod noon ay ang unti-unting pag dami o pag usbong ng mga naka bisikleta na pumapasok sa trabaho. Ito kasi ang isa sa pinaka magandang alternative na sasakyan na puwedeng gamitin ng kahit na sino sa atin lalo na ngayong panahon ng COVID-19.
Ang folding bike ay isa sa mga iminu-mungkahi pagdating sa mga bike to work ideas. Kung ikaw ay araw-araw lumuluwas ay maari mo itong isakay sa bus, train, o kahit sa jeep at gamitin kapag ikaw ay nakarating na sa mga "bikeable areas" papunta sa iyong trabaho. Mas mapapabilis ang biyahe lalo na kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang urban area na kadalasan ay kailangang mag cutting trip.
Mainam rin na gamitin ang mga road bikes, touring bikes, mountain bikes, o kahit ang fixed gear bikes sa trabaho lalo na kung talagang bikeable naman ang ang layo simula sa inyong bahay papunta sa trabaho.
Sa halagang 2,500 pesos ay maaari ka ng makakabili ng isang branded na imported bike sa mga bike surplus shops habang ang mga brand new bikes naman kadalasan ay nagkakahalaga simula 3,500 pataas.
Bukod sa makakatipid tayo sa gastusin ay talaga namang maganda ang idinudulot ng pagba-bike sa ating katawan, nakatutulong din tayo sa kapaligiran dahil sa pagbawas ng pollution.
Comments